FOR SALE BILHIN NIYO NA RUSH SALE NA TO 😭 HAHAHA COFFEE MAKER -₱1000 BREAD TOASTER -₱900 (NEVER BE…
Meycauayan · 1h ago
Electronics & Appliances
DeclutterPHLoading marketplace…Budget not specified
Listing details
Hello sa inyo. Magtatanong lang sana ako kung sino nakakaalam kung saan pwede bumili ng de-takal na arina na hindi enriched/fortified ng kahit anong vitamins/iron etc? Kahit trigo/wheat grains na de-takal, kami na ang bahala na magpagiling kung sakali. Marami sa palengke na loose na arina, mga de-takal, dun kami bumibili noon, kaya lang lahat yun fortified/enriched ng vitamins, ang hanap namin is yung 100% pure wheat lang at walang hinalo. Naghanap na ako sa marketplace, may nakita ko kaso Pampanga pa sila (taga Sta. Rosa Laguna kami, yeah south), hindi kasama sa service area ng lalamove ang area nila. Nagbakasakali na ko dito na baka may alam kayo. Eto yung tinapay na nagawa namin noon. Homemade yeast at pancooked na tinapay.. arina + yeast + asin (edit: may kakang gata pa pala) lang yan... true to its name na pan-de-sal. Hindi ako tinapay person, pero simula nung nakatikim ako ng homemade, homemade tinapay person na ako. hehe. Anyway, so ayon, sana may makatulong sa 'kin/ sa 'min. Salamat! Edit: para sa mga nagtatanong ng recipe 16 pcs (for 3-4 persons) gumawa ng starter dough: 1.5 cup at 1 tbs flour (hard wheat flour or noodle flour), 100 ml ng pinainitang(lukewarm) kakang gata, 1 kutsara ng sourdough yeast at 1/4 kutsara ng asin, paghaluin sila hanggang sa mabuo ang starter dough, tiyakin na malaki ang bowl na pinaghahaluan magpainit ng 2 tasa ng tubig(lukewarm) at isalin ito sa pinaglalagyan ng starter dough, pagkatapos ay sundan ng 9 cups flour, 2 kutsara ng sourdough yeast(home made, meron sa youtube) at 3/4 kutsara ng asin at muli ay haluin silang lahat hanggang sa maging dough at takpan upang hindi matuyo ang dough at ipahinga ng mga 4 na oras tip: magsimula sa paghahanda ng mga 2-3pm para mga 4pm makatapos ka, kasi ipapahinga ng 4 na oras. makalipas ang apat na oras ng pahinga ng dough ay hatiin sa labing anim na bahagi at bilugin at ilagay sa isang baking tray (kung sa oven lulutuin) at muli ay ipahinga ng maghapon o magdamag bago i~bake. Kung walang baking tray at oven, pwede sa nonstick pan ideretso yung mga binilog na buns, para dun na diretso lulutuin. Lutuin ng 20 mins sa non-stick pan, pagkatapos baliktarin para maluto yung ibabaw, lutuin ng 10 mins pa.
More like this
Meycauayan · 1h ago
Electronics & AppliancesPhilippines · 2h ago
Clothing & FashionPhilippines · 2h ago
Shoes, Bags & AccessoriesPhilippines · 2h ago
Shoes, Bags & Accessories